Maagang namatay ang mga magulang ni Maja kaya ang lola niyang si Mama Frieda na halos ang nagpalaki sa kanya. Pero matanda na ito at diumano ay nanghihina na. Ang tanging puwedeng magpabalik ng sigla at lakas nito ay ang tinatawag nitong elixir ng buhay. Isa iyong tinimplang inumin na hango sa mga ugat at dahon ng halaman na may kasamang orasyon. Noong kabataan kasi ni Mama Frieda ay nag-ambisyon itong maging albularyo.
Ang problema lang, ang kalahati ng kopya ng formula ay nasa kamay ni Lola Inez, dating matalik na kaibigan ni Mama Frieda na ngayon ay mortal na kaaway na. Kailangang mabawi ni Maja ang kopya kaya go siya sa probinsiya kung saan nakatira si Lola Inez.
Doon niya nakilala ang lalaking minsan na niyang ninais isumpa: si Lowell. And surprise, surprise, apo pala ito ni Lola Inez. At mukhang may hindi rin magandang motibo sa kanya.
Elixir ng buhay ang pakay ni Maja sa pagpunta sa malayong probinsiya, pero iba ang natagpuan niya. Ang lalaking magpapatibok sa kanyang puso. For the first time. Malas nga lang niya na si Lowell din pala mismo ang wawasak niyon.