KINAKAILANGAN ANG NETFLIX MEMBERSHIP.
Magtayo ng malalawak na lungsod, mamuhunan sa kultural na pag-unlad at bumuo ng mga alyansa — o makipagdigmaan. Pamunuan ang mundo rito sa classic na strategy game.
Orihinal na gawa ng maalamat na game designer na si Sid Meier, ang "Civilization" ay turn-based strategy game kung saan gitgitan kayo ng pinakamagigiting na pinuno sa kasaysayan habang binubuo mo ang emperyo mong magtatagal. Baguhan ka man sa turn-based strategy o beteranong 4X expert, itong malawak na tactical world-building game ay nagbibigay sa iyo ng kagamitan para magsimula ng sibilisasyon at gabayan ito mula sa unang pamayanang Stone Age patungo sa mga bituin.
Sa bersyong ito ng "Civilization VI," may access ang mga miyembro ng Netflix sa lahat ng expansion pack at content na kasama sa Platinum Edition ng laro. Ang kailangan lang para sa maalamat na emperyo ay panahon at matinik na estratehiya.
MULA PAMAYANAN HANGGANG KAHARIAN
• Gawing abalang metropolis ang bawat lungsod, kada tira at kada tile. Magtayo ng mga pagpapahusay, distrito at nakakamanghang bagay para diskartehan ang mga malapit na yaman; magsanay ng mga bagong unit para ipagtanggol ang teritoryo mo at tuklasin ang mundo sa paligid.
• Sa paglawak ng emperyo mo, piliin ang mga tamang siyentipiko at sibikong pag-unlad para sa paglago, pagpapalakas ng pulitikal na impluwensya at bentahe sa mga karibal sa rehiyon sa kalakalan o digmaan.
MARAMING DAAN SA TAGUMPAY
• Bumuo ng nagtatagal na kapangyarihan kasabay ng sibilisasyon mo kada siglo, mula medieval na kaharian hanggang modernong superpower.
• Sa maraming paraan para manalo, pwede ang bawat estratehiya: Lalaban ka ba para sa lakas militar? Iiwas sa digmaan gamit ang madiskarteng diplomasya? O tututok sa pamamahala sa yaman para mabilis na umusad sa teknolohiya?
MUNDO NG MGA POSIBILIDAD
• Kasama rito sa Netflix edition ng premyadong 4X strategy game ang "Rise and Fall" at "Gathering Storm" expansion, at higit pang content pack na nagbubukas ng mga bagong rehiyon at kultura. Sa maraming mapamimiliang sibilisasyon at sitwasyon, baguhin ang kasaysayan kung paano mo gusto.
• Maglaro mag-isa, kasama ang hanggang apat na player sa local multiplayer mode, o kasama ang hanggang anim sa hotseat mode sa iisang device.
- Gawa ng Aspyr, 2K at Firaxis.
Pakitandaan na ang impormasyon sa Kaligtasan ng Data ay nalalapat sa impormasyong kinokolekta at ginagamit sa app na ito. Tingnan ang Pahayag sa Privacy ng Netflix para matuto pa tungkol sa impormasyong kinokolekta at ginagamit namin sa mga kontekstong ito at sa iba pang konteksto, kabilang ang impormasyong kinokolekta at ginagamit sa pagpaparehistro ng account.
Na-update noong
Dis 13, 2024